Mainit Ang Dugo Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Mainit Ang Dugo – Kahulugan At Halimbawa Nito

MAINIT ANG DUGO KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang mainit ang dugo at iba pang kaalaman tungkol dito.

Kadalasan, ang mga sawikain o idyoma ay nagdadala ng aral o nagpapahiwatig ng damdamin. Sa halip na ordinaryong salita ang ginagamit, malalalim na salita ang ginagamit sa sawikain.

Ang mga salitang ito ay nagsisilbing “ice breaker” sa isang pahayag dahil ito’y nakakapukaw ng damdamin ng nagbabasa o nakikinig. Ang idyomang “mainit ang dugo” ay isa sa pinaka sikat na idyoma sa bansa.

MAINIT-ANG-DUGO-KAHULUGAN-1

Ang mainit ang dugo ay tumutukoy sa damdamin ng isang tao na may nararamdamang galit o inis sa kanyang kapwa. Kapag daw kasi galit ang isang tao, nagkakaroon sya ng mataas na presyon na sanhi ng kanyang inis na nararamdaman.

Ang terminong ito ay ginagamit sa pagtukoy sa galit o hindi magandang damdamin. Ito’y nagpapahiwatig din ng lagay ng damdamin ng isang tao na dapat nyang tutukan tuwing nagagalit siya.

BASAHIN DIN: Ibaon Sa Hukay Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Angry-man
Photo Source: iStock

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng mainit ang dugo:

  • Mainit ang dugo ni nanay kay Gina kaya wag mo nalang syang imbitahin.
  • Pumupunta ako sa lugar na tahimik kapag mainit ang dugo ko.
  • Wag kag munang magpakita kay sir kasi mainit pa ang dugo nya dahil sa meeting kanina.
  • Mainit ang dugo ni maam kasi konti lang ang nakapasa sa pagsusulit.

BASAHIN DIN: Dinilaan Ng Baka Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment