Ginintuang Tinig Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Ginintuang Tinig – Kahulugan At Halimbawa Nito

GININTUANG TINIG KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng ginintuang tinig at ang halimbawa nito.

Marami parin sa atin ang nalilito kapag nakakatagpo ng malalalim na salita. Mahalagang matutunan natin ang mga matalinhagang salita upang maunawaan ang binabasa.

Hanggang ngayon, ang mga linggwistiko at manululat ay gumagamit parin ng mga sawikain o idyoma. Isa sa pinaka sikat na sawikain sa bansa ay ang “ginintuang tinig.”

Ginintuang-tinig-kahulugan-1

Ang teminong “ginintuang tinig” ay tumutukoy sa taong merong magandang boses o likas na talento sa pag-awit. Ang salitang ito ay nagmula sa paniniwala ng mga Pinoy na ang magandang boses ay nakapagbibigay ng tagumpay sa isang tao.

Ang sawikaing ito ay paalala sa atin na ang ating talento ay isang yamang bigay sa atin ng Maykapal. Ang “ginintuang tinig” ay madalas gamitin sa mga sanaysay, tula, o anumang akda.

BASAHIN DIN: Abot-tanaw Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

singer
Photo Source: Adobe Stock

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng ginintuang tinig:

  • Kung ako lang ay may ginintuang tinig, tiyak na lagi akong sasali sa mga kompetisyon ng awitan.
  • May ginintuang tinig si Virgie kaya laging nananalo sa “singing contest”.
  • May ginintuang tinig ang tatay mo.
  • Si Samantha ay may ginintuang tining kaya laging nagwawagi sa tunggalian ng kantahan.

BASAHIN DIN: Di Mahulugan Ng Karayom – Kahulugan At Halimbawa Nito

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment