Natutulog Sa Pansitan – Kahulugan At Halimbawa Nito

Kasagutan: Natutulog Sa Pansitan Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

NATUTULOG SA PANSITAN KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng natutulog sa pansitan at ang halimbawa nito.

Ang mga matalinhagang salita ay isang uri ng panitikang Pilipino. Ginagamit ito ng mga manululat sa pag sulat ng iba’t-ibang uri ng babasahin.

Ang mga ganitong klaseng mga salita ay may malalim na kahulugan o halos walang tiyak na ibig-ipahiwatig. Ito’y ginagamitan ng idyoma, kasabihan, simili, personipikasyon at iba pang uri ng mga mabulaklak o nakakalitong salita.

NATUTULOG-SA-PANSITAN-KAHULUGAN

Ang “natutulog sa pansitan” ay isa sa pinakasikat na matalinhagang salita sa bansa. Ang salitang ito ay tumutukoy sa isang taong tamad o walang planong magbanat ng buto o magsipag.

Nagmula ang salitang ito dahil daw sa mga taong mahilig magpahinga sa taniman ng pansit-pansitan. Ang halaman na to ay malamig daw kasi sa katawan at nakapagpawi ang pagod at nakapagpapahinga ang isang tao.

BASAHIN DIN: Aabutin ang Bituin Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

NATUTULOG-SA-PANSITAN-KAHULUGAN-1
Photo Source: Katknows

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng natutulog sa pansitan:

  • Iiwanan ka ng panahon kung lagi kang natutulog sa pansitan.
  • Gising ba ang mga pulis o natutulog sa pansitan?
  • Sana ang sunusod na presidente ay walang ugaling natutulog sa pansitan.
  • Nung nagsabog ng lovelife si Lord, natutulog yata ako sa pansitan.
  • Ang mga tanod sa amin natutulog sa pansitan.

BASAHIN DIN: Harangan Man Ng Sibat Kahulugan At Halimbawa Nito

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment