Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Mapurol Ang Utak? (Sagot)
MAPUROL ANG UTAK KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng mapurol ang utak at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.
Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salita na patalinhaga. Kailangan nating malaman ang mga matalinhagang salita sa bansa dahil kadalasan parin itong ginagamit ng mga linggwistiko o manunulat.
Meron ding mga talinhagang salita na ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag talastasan katulad ng salitang “mapurol ang utak.” Ang salitang ito ay isa sa pinaka popular na idyoma sa bansa.
Ang talinhagang mapurol ang utak ay tumutukoy sa isang tao na hindi makapag-isip ng maayos. Pwede rin itong pang tukoy sa taong merong kamangmangang taglay.
Ang kasabihang ito ay nagmula sa metalikong bagay na hindi masyadong ginagamit kaya kinakalawang o napupurol. Ang idyomang ito ay paalala na kailangan nating gamitin ang ating utak parati at pagyamanin pa upang hindi pumurol o mangalawang.
BASAHIN DIN: Makitid Ang Utak Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng mapurol ang utak:
- Mapurol ang utak ni Marsha kaya kailang ibalik siya sa Grade 6.
- Si Benedict ay mapurol ang utak kaya siya’y tumigil sa pag aaral.
- Baka tamad mag-aral kaya mapurol ang utak ni Carla.
- Mapurol ang utak ng aking kapatid dahil puro sya laro at hinde na nakakapag aral.
BASAHIN DIN: Mataba Ang Utak – Kahulugan At Halimbawa Nito
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page