Maitim ang Budhi – Kahulugan At Halimbawa Nito
MAITIM ANG BUDHI KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng maitim ang budhi at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.
Ang “maitim ang budhi” ay isang sawikain o “idiom” sa salitang Ingles. Sa mga mahihilig manood ng drama sa telebisyon o pelikula, malamang narining nyo na ang idyomang ito.
Ang ibig sabihin ng maitim ang budhi ay masama ang ugali o walang konsensya. Hindi natin maitatangi na meron talang mga taong may masamang ugali o pagkatao.
Ang idyomang ito ay tumutukoy sa isang tao na may kasamaan o kasakimang taglay. Sabi nila, ang mabuting tao daw ay maputi at may malinis ang konsensya, habang ang salitang “maitim na budhi” ang kabaliktaran. Masama syang tao kaya maitim nag kulay ng kanyang budhi.
Ang ibig sabihin ng budhi ay konsensya. Ang budhi ay ang nagdidikta ng mali o tama. Kinokontrol nito ang ugali ng tao kapag ito ay nasusobrahan o nahuhulog na sa pagiging masama na nakakasakit na sa ibang tao.
BASAHIN DIN: Krus sa Balikat Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng maitim ang budhi:
- Mag-ingat ka sa lalaking iyan. Maitim ang budhi niyan kaya labas pasok sa bilanguan.
- Mala-anghel lang ang mukha ni Wanda pero maitim ang budhi nyan.
- Maitim ang budhi ni Zia dahil marami na siyang nagawang kasalanan.
- Lagi nyang ginagawa ang mga bagay na nakakasakit sa kanyang kapwa kaya tinawag siya ng iba na maitim na budhi.
BASAHIN DIN: Naglalakad Sa Buwan – Kahulugan At Halimbawa Nito
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page