Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Sawikain Na Lumaki Ang Ulo? (Sagot)
LUMAKI ANG ULO KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang ibig sabihin ng lumaki ang ulo at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Dapat nating malaman ang mga sawikain sa ating bansa dahil ito ay bahagi ng panitikang Pinoy na nagpasalin-salin mula noon hanggang ngayon. Ang mga ordinaryong salita ay nagiging kawili-wili kung hinahaluan ito ng sawikain.
Ang mga salitang ito ay nagsisilbing “ice breaker” sa isang pahayag dahil nakakapukaw ito ng damdamin ng mambabasa. Isa sa mga sikat na sawikain sa bansa ay ang salitang “lumaki ang ulo.”
Ang sawikain na “lumaki ang ulo” ay kadalasang ginagamit ng mga tao upang maipahayag na ang isang tao ay yumayabang na dahil sa nakuhang tagumpay. Ramdam na rin ng taong mayabang ang kanyang pagiging espesyal at naging iba na ring ang kanyang turing sa kanyang kapwa.
Ang talinhangang salitang ito ay nagmula sa pagtukoy sa isang taong ipinasok sa ulo ang lahat na kanyang nararating. Dapat ang tagumpay ay isinasapuso at hindi inilalagay sa ulo upang ma iwasan ang pangmamaliit sa iba.
BASAHIN DIN: Malaking Isda Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng lumaki ang ulo:
- Lumaki na ang kanyang ulo kaya hindi na siya namamansin
- Hindi na mapipigilan ang paglaki ng ulo ng batang iyan.
- Hindi ako makapaniwalang lumaki ang ulo ni Terry pagkatapos makuha ang medalya.
- Lumaki ang ulo ni Nancy nang malamang siya ang nanalo sa kompetisyon.
BASAHIN DIN: Kapit Sa Patalim Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page