Lantang Gulay Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Lantang Gulay – Kahulugan At Halimbawa Nito

LANTANG GULAY KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang lantang gulay at iba pang kaalaman tungkol dito.

Ang salitang lantang gulay ay isang sawikain. Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng mga salita na patalinhaga.

Ang mga matalinhagang salita ay nagdadala ng aral at nagpapahiwatig ng damdamin. Kadalasan itong ginagamit ng mga manunulat upang maging kawiliwili ang kanilang babasahin.

LANTANG-GULAY-KAHULUGAN

Ang sawikain na “lantang gulay” ay may kahulugan na ang isang tao o hayop ay matamlay o mahina. Sila ay posibleng may karamdamang iniinda na nagiging sanhi ng kanilang panghihina.

Ang salitang ito ay pwede ring magpakahulugan sa isang tao na mayroong kalamyaang taglay o walang sapat na enerhiya. Alam natin na ang gulay na pampalakas ng ating katawan. Ngunit kapag ito’y hindi na sariwa, pwedeng mawala na ang nutrisyon nito.

BASAHIN DIN: Agaw-buhay Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Woman
Photo Source: freepik

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng lantang gulay:

  • Si Dennis ay nagtrabaho mag hapon kaya paguwi nya siya ay tila lantang gulay na.
  • Ang layo ng tinakbo nya kaya lantang gulay na siya ng matapos ang karera.
  • Parang lantang gulay ang nanay ni Helen nang matapos ang gabundok na labahin.
  • Dahil sa walang tigil na pagta-trabaho ay lantang gulay na nang umuwi si Jossie sa kanyang bahay.

BASAHIN DIN: Mabigat Ang Kamay Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment