Kumukulo Ang Tiyan– Kahulugan At Halimbawa Nito
KUMUKULO ANG TIYAN KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang kumukulo ang tiyan. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.
Ang talinhagang “kumukulo ang tiyan” isa sa pinaka sikat na salita sa bansa. Ito ay nangangahulugan na ang tao ay nagugutom o wala nang makain.
Kapag wala nang laman ang tyan ng isang tao, may asido sa tyan na nagtatrabaho kahit wala namang tinutunaw na pagkain. Nagbibigay ito ng ilusyon na kumukulo ito.
May pagkakataon na kumulo ang ating tiyan kahit busog tayo. Normal lang naman na tumunog ang ating tiyan paminsan minsan.
Ilan sa mga rason kung bakit tumutunog ang ating tyan ay dahil sa stress, nakakain ng panis, o kapag may ulcer. Ang idyomang ito ay importante dahil ipinababatid nito na kailangan nating pag-aralan ng husto ang ating katawan.
BASAHIN DIN: Maitim ang Budhi Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng kumukulo ang tiyan:
- Kumukulo na ang tiyan ko sa gutom ngunit hindi pa luto ang paborito kong ulam.
- Kumukulo na ang tiyan ko at malakas nang nagrereklamo.
- Hindi ako nag-agahan kaya kumukulo na ang tiyan ko ngayon.
- Kanina pa kumukulo ang tiyan ni Teddy.
BASAHIN DIN: Gintong Kutsara Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page