Kapit Sa Patalim Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Kapit Sa Patalim – Kahulugan At Halimbawa Nito

KAPIT SA PATALIM KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang ibig sabihin ng salitang kapit sa patalim at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Ang mga sawikain o idioma ay bahagi ng wikang Filipino. Ang mga salitang ito ay may malalim na mga kahulugan o minsan naman ay nakakalito pero paborito itong gamitin ng mga manunulat dahil nakakatulong ito upang maging maganda at makabuluhan ang mga salita na ginagamit nila.

Isa as pinaka popular na matalinhagang salita sa bansa ay ang “kapit sa patalim.” Ang kahulugan ng salitang ito ay nagigipit o dumaranas ng sobrang paghihirap.

KAPIT-SA-PATALIM-KAHULUGAN

Nakalungkot mang isipin pero meron talagang mga tao na nakakaranas ng mga sobrang hirap na pagsubok sa buhay at kagipitan napipilitan nalang sila na gumawa ng mapangahas na hakbang maka raos lamang.

Napipilitan silang lumabag sa batas o gumawa na lamang ng krimen. Ginagawa nya ang mga bagay na ito para sa kanyang sariling kapakanan.

Ang salitang ito ay nagmula sa dalawang salaysay. Una ay sinasabing humahawak ng kutsilyo o punyal ang tao kapag gagawa ng krimen. Ikalawa, kung literal na kahulugan ng kapit sa patalim ang titingnan, ang paghawak sa matalas ng kutsilyo ay nakakasaugat tulad ng paggawa ng krimen.

BASAHIN DIN: Makapal Ang Bulsa – Kahulugan At Halimbawa Nito

shadow-hands-dark
Photo Source: Beliefnet

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng kapit sa patalim:

  • Nakagawa ng maling desisyon si Michael dahil siya ay kapit na sa patalim.
  • Kapit sa patalim ang ilan sa mga mamamayang nagigipit.
  • Masalimuot ang buhay ng taong kapit sa patalim.
  • Ang ibang tao gumagawa ng trabaho na kapit sa patalim para lamang maitaguyod ang kanilang sarili.

BASAHIN DIN: Malaking Isda Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment