Under Da Saya Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

NagmUnder Da Saya – Kahulugan At Halimbawa Nito

UNDER DA SAYA KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng under da saya at ang halimbawa nito.

Hindi na natin masyadong naririnig ang salitang “under da saya” ngayon, marahil ito’y naging ibang anyo na ngunit may parehong konteksto. Ang ibang Pinoy ay gumagamit nga “takusa” o takot sa asawa at iba pang termino.

Ang matalinhagang salitang ito ay tumutukoy sa isang lalaki o mister na takot o labis na masunurin sa kagustuhan ng kanilang misis. Hindi sya makabuo ng sariling desisyon dahil ang kanyang asawa ang laging nasusunod.

UNDER-DA-SAYA-kahulugan

Ang “under da saya” ay nagmula sa kultura ng mga Pinoy na saya ang laging suot ng mga babae. Kapag ang lalaki ay takot sa kanyang asawa, sinasabing sakop sya sa suot na saya ni misis at dala nya ito saan man o kailanman.

Meron talagang mga babae na hindi nagpapadaig sa kanilang mga mister. Sa aking opinyon, hindi naman ito isyu o dapat ikahiya, ang ibig sabihin lamang nito ay pagmamahal, paggalang, at pag-unawa sa babae. Ito ang dahilan kung bakit maraming lalaki ang sumusunod sa kanilang mga asawa at sobrang komportable naman dito.

BASAHIN DIN: Haligi Ng Tahanan – Kahulugan At Halimbawa Nito

UNDER-DA-SAYA
Photo Source: RMN Networks

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng under da saya:

  • Okay lang sa akin na maging under da saya ang aking anak.
  • Under da saya talaga yang si pareng Jun, isang tingin lng ni mareng Katya, umuuwi agad.
  • Hindi daw makakapunta ang under da saya among kaibigan na si Jeffrey.
  • Under da saya kasi yan si sir Anthony kaya maagang umuuwi.

BASAHIN DIN: Parang Aso’t Pusa – Kahulugan At Halimbawa Nito

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment