Kasagutan: Pusong Mamon Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
PUSONG MAMON KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng pusong mamon at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang salitang pusong mamon ay isang sawikain. Ang sawikain ay tinatawag ding maikling matalinhagang pahayag o idyomatikong ekspresyon. Ang mga ganitong klaseng salita ay nagsasad ng hindi tuwirang paglalarawan ng isang tao, bagay, pook, o pangyayari.
Ang mga babasahin o ating mga sinasabi ay naging mabulaklak o misteryoso kapag hinahaluan ng sawikain. Isa sa pinaka popular na idoyoma ay ang salitang “pusong mamon.”
Ang idyomang ito ay tumutukoy sa isang tao na madaling maawa o may malambot na puso. Ito’y tambalang salita na pinagsama upang magkaroon ng bagong kahulugan ang dalawang salita.
Ang puso ay nangangahulugan na bahagi ng katawan samantalang ang mamon naman ay tumutukoy na malambot na tinapay. Pag pinagsama ang dalawang salitang to ay nangangahulugan ito na taong madaling mag damdam.
BASAHIN DIN: Pinagbiyak Na Bunga Kahulugan At Halimbawa Nito
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng pusong mamon:
- Si Pedro ay may pusong mamon dahil hindi niya maiwasang mahabag at tulungan ang ibang tao.
- Ang aking kaibigang si Andrea ay may pusong mamon.
- Nikikita pa rin ang pagka pusong mamon ng aking tatay kahit lagi nya akong pinapagalitan.
- Hindi ko na sana biniro si Angelo kung alam ko lang na pusong mamon pala siya.
BASAHIN DIN: Bukas Palad Kahulugan At Halimbawa Nito
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Philnews YouTube Channel
Philnews.ph FB Page
Viral Facts