Panakip-butas Kahulugan At Halimbawa Nito

Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Panakip-butas? (Sagot)

PANAKIP-BUTAS KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang ibig sabihin ng salitang panakip-butas at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Ang salitang panakip butas ay isa sa popular na matalinhagang salita sa Pilipinas. Ito’y merong positibo at negatibong kahulugan, depende sa kung paano ito ginagamit ng nagsasalita.

Ang ibang kahulugan ng panakip butas sa tagalog ay pansamantalang lunas o pamalit. Kadalasang naririnig ito sa mga normal na usapan lalo na kapag relasyon o pag-ibig ang paksa.

Positibong kahulugan ng salitang Panakip-butas:

Ang salitang ito ay malamang nagmula sa kaugaliang pagsalba ng isang bagay upang ito ay magamit pang muli kaysa bumili kaagad ng bago. Ito ay positibo dahil ipina pakita ang pagiging praktikal.

Halimbawa:

Tinapalan ni Arthur ng panakip-butas ang palayok habang wala pa silang pambili ng bagong saingan.

Nilalagyan ni nanay ng panakip-butas ang mga maliliit na butas ng balde.

BASAHIN DIN: Ilaw Ng Tahanan Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

panakip-butas-1
Photo Source: RMN Networks

Negatibong kahulugan ng salitang Panakip-butas:

Kapag ang salitang ito ay ginamit sa isang tao, pwede itong magkaroon ng negatibong kahulugan. Ito ay tumutukoy sa isang tao na ginawang kahalili o ipinagpalit lamang ng orihinal na napili. May ibang tao na gumagawa ng paraan upang kalimutan ang masakit na nangyari.

Halimbawa:

Si Joana and napiling panakip-butas ni Kenneth sa mga panahong wala ang kanyang kasintahan upang pakinggan ang kanyang mga problema.

Ginamit mo pa ang bestfriend mo bilang panakip-butas sa pagtakas mo kagabi upang hindi ka mapagalitan!

BASAHIN DIN: Isang Paa Sa Hukay – Kahulugan At Halimbawa Nito

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment