Marahuyo Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Marahuyo? (Sagot)

MARAHUYO KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng marahuyo at ang halimbawa nito.

Ang salitang “marahuyo” ay isa sa mga pinaka lumang matatalinhagang salita sa Pilipinas. Ang mga salitang ito ay mahirap unawain ngunit ito’y nagbibigay interes o misteryo upang mas intindihin at pilit pang alamin ang ipinahiwatig ng nga sabi.

Ang salitang marahuyo ay mula sa salitang ugat na “rahuyo” o dahuyo.” Sa Ingles, matatawag itong “to be enchanted” o “to be attracted.”

Ang salitang marahuyo ay tumutukoy sa labis na pagkabighani sa isang tao o bagay. Ang ibig sabihin ng salitang ito sa tagalog ay maakit, mahalina, mabighani, maengganyo, at magayuma.

BASAHIN DIN: Bulang-Gugo Kahulugan At Halimbawa Nito

beautiful-scenery
Photo Source: WallpaperAccess

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng salitang marahuyo:

  • Ang bundok ng Mayon ay tunay na may karahu-rahuyong ganda.
  • Ang binatang lalaki ay narahuyo sa ganda ng dalagang nakita sa palengke.
  • Tila narahuyo ang lalaki dahil sa labis na pagmamahal niya sa kanyang girlfriend.
  • Siya ay patungo sa marahuyong dagat kasama ang mga kaibigan.

BASAHIN DIN: Makalaglag-matsing Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment