Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Lukso Ng Dugo? (Sagot)
LUKSO NG DUGO KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang ibig sabihin ng salitang lukso ng dugo at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Sa tagalog ay mayroon tayong terminong tinatawag na lukso ng dugo. Isa itong idyoma sa Pilipinas na ginagamit kapag malakas ang pakiramdam mo na kamag-anak mo ang kakikilala mo pa lang o pwede ring meron kang nakapalagayan ng loob.
Halimbawa kapag nakita ng isang adopted child ang kanyang biyolohikal na ina sa unang pagkakataon at ang bata ay may pakiramdam ng pagiging pamilyar sa kanya, yan ay tinatawag na lukso ng dugo.
Ang salitang lukso ng dugo ay maari ding tumukoy sa isang tao na kakakilala mo pa lang pero parang matagal mo na siyang kilala o parang meron kayong espesyal na koneksyon.
Ang salitang ito ay kadalasang ginagamit sa mga teleserye. Sa mga palabas na ang paksa ay nawawalan ng anak, ang “lukso ng dugo” ang isa sa mga pamantayan para sa kanilang koneksyon.
BASAHIN DIN: Itim Na Tupa Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng salitang lukso ng dugo:
- Nang hawakan ng Jonathan ang kaniyang bagong silang na anak, agad niyang naramdaman ang lukso ng dugo.
- Pero hindi ako naniniwala sa lukso ng dugo.
- Ang tanging gabay laman nya para makilala ang kanyang tunay na ama ay ang kanyang sariling kutob o lukso ng dugo.
- Pag kausap ko siya, parang may lukso ng dugo.
BASAHIN DIN: Balat Kalabaw Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page