Kabiyak Ng Puso – Kahulugan At Halimbawa Nito

Kasagutan: Kabiyak Ng Puso Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

KABIYAK NG PUSO – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng kabiyak ng puso at ang halimbawa nito.

Ang wika ay bukod tanging instrumenting pangkomunikasyon na walang pinipili bata, matanda, mayaman o mahirap, may pinag-aralan o wala. Ito’y ginagamit para maipahayag natin ang ating opinion, ideya, saloobin o damdamin.

Ang wikang Pinoy ay mayaman sa maraming klase ng panitikan. Isang uri ng panitikang Pinoy ay ang matalinhagang salita.

Isa sa mga pinaka sikat na matalinhangang salita ay ang “kabiyak ng puso.” Ang salitang ito ay nangangahulugang asawa, sinisinta, o sinumang minamahal na nais pakasalan.

Ang isang mahal sa buhay ay tinatawag na kabiyak ng puso, dahil gumagawa sila ng mga desisyon sa buhay nang magkasama at iisa na ang tinitibok ng kanilang puso.

Ang salitang ito ay kadalasang ginagamit sa isang sanaysay, tula, o iba pang sulatin na may kaugnay sa damdamin. Sa Ingles, matatawag itong “the other half of the heart” o “soulmate.”

BASAHIN DIN: Namamangka Sa Dalawang Ilog Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Kabiyank-ng-puso-kahulugan-1
Photo Source: NY Daily News

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng salitang kabiyak ng puso:

  • Ang kabiyak ng puso ni Felix na si Cynthia ay nakakahalina ang ganda.
  • Si Angela ang kabiyak ng aking puso.
  • Si Josephine ang kabiyak ng dibdib ni Ricky.
  • Lahat tayo ay nag aasam na sana ay isang araw ay dumating ang taong magiging kabiyak ng ating puso.

BASAHIN DIN: Marahuyo Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment