Ano Ang Kahulugan At Halimbawa Ng Salitang Balitang Kutsero? (Sagot)
BALITANG KUTSERO KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng salitang balitang kutsero at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang salitang “balitang kutsero” ay isang sawikain o idyoma. Ang ibig sabihin ng salitang ito ay hindi totoong balita o gawa-gawang balita.
Ito ay tumutukoy sa pagsasabi ng balita na hindi naman totoo dahil walang ebidensyang matibay o hindi berepikado. Ito rin ay pwedeng maihahalintulad sa “tsismis” o “fake news.”
Ang salitang “kutsero” ay galing sa Kastilang salitang “cochero” o taga maneho ng kalesa o “carriage driver” sa salitang Ingles. At ang “balitang kutsero” naman ay matatawag na “coachman stories” sa wikang Ingles.
Ito ay nabigyan ng kahulugan dahil sa dami ng nakasasalamuha nila. Ang mga kutsero ay mas maraming balitang nasasagap na balita at ito ang sanhi ng pagkalat ng mga balitang hindi totoo. Maihahalintulad rin ito sa kwentong barbero o “barbershop talk.”
READ ALSO: Naniningalang Pugad Kahulugan At Halimbawa Nito
Heto ang mga halimbawang pangungusap na gamit ang salitang balitang kutsero:
- Ayon kay Berto, ang isyung kumakalat patungkol sa kanyang asawa ay purong balitang kutsero lamang.
- Nanatiling balitang kutsero lamang ang ibinibintang ng mga tao sa isang dalagang babae.
- Pawang mga balitang kutsero lamang ay aking naririnig sa mga balita sa telebisyon.
- Ang lalake na nasa loob ng jip na aming sinasakyan ay hindi nananiniwala sa mga balitang kutsero na kanyang nariririnig sa radyo.
BASAHIN DIN: Kisapmata Kahulugan At Halimbawa
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page