Heto Ang Mga Halimbawa Ng Kahalagahan Ng Korido At Ang Kahulugan Nito
KORIDO – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahalagahan ng Korido sa kulturang Pilipino.
Ang korido ay isang uri ng panitikan na gumagamit ng anyong patula. Kadalasan, ang mga paksa ng isang korido ay nagsasalaysay ng mga kaganapang hindi posibleng mangyari sa totoong buhay.
Dahl dito, ating makikita ang mga mahika, kapangyarihang supernatural, at iba pang mga magagarang mga pangyayari. Ang bawat taludtod naman nito ay may walong pantik. Samantala, apat na taludtod naman ang makikita sa bawat saknong.
Mahalaga ang isang Korido lalo na sa kultura ng Pilipinas dahil ito’y matagal na naging parte ng ating kasaysayan. Ang korido ay galing sa salitang Espanyon, Indo-European at Mehikano.
Heto ang mga halimbawa ng sikat na Korido:
- Ibong Adarna
- Mariang Kalabasa
- Haring Patay
- Mariang Alimango
- Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz
- Prinsipe Florenio ni Ananias Zorilla
Mahalaga ang korido dahil kahit na mga supernatural o mga pantasya lamang ang nasa korido, ito pa rin ay sumasalamin sa mga kaugalian at mga nararamdaman ng mga Pilipino sa kanilang panahon.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Bumulong Kasingkahulugan Halimbawa At Iba Pang Kaalaman