Heto Ang Mga Halimbawa Ng Sistema Paniniwala At Ritwal
PANINIWALA AT RITWAL – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang sagot sa tanong na “Ano Ang Tawag Sa Sistema Ng Mga Paniniwala At Ritwal?”
Sa lahat ng nilalang na nabubuhay sa mundo, ang tao lamang ang mayroong sistema ng paniniwala. Kasama na dito ang mga ritwal na nagpapakita ng kanilang espirituwalidad.
Ang mga sistemang ito ay tinatawag na “Relihiyon“. Ang isang relihiyon ay pagsasagawa ng dobosyon para sa Diyos na kanilang kinikilala. Sa kasalukuyan, ang mga tao ay nakilala rin batay sa relihiyosong organisasyon na kung saan sila kasapi.
Isa sa pinakamalaking Relihiyon sa Pilipinas ay ang Katoliko. Ang paniniwalang ito ay galing sa mga Espanyol na sumakop sa Pilipinas ng mahigit kumulang 300 na taon. Samantala, may iba’t-ibang mga relihiyon din sa Pilipinas katulad ng mga Muslim, at Iglesia ni Cristo.
ANO ANG PANINIWALA?
Lahat ng tao ay may iba’t-ibang paniniwala. Ngunit, ang Paniniwala ng karamihan ay mayroong Diyos na gumagabay sa mga tao. Bukod dito, may paniniwala din na lahat ng ginagawa natin habang tayo’y buhay pa ay nakikita ng Diyos.
Depende sa kung masama o mabuti ang iyong ginawa, ikaw ay posibleng bibigyan ng gantimpala o kaparusahan.
ANO ANG RITWAL?
Kasama ang mga ritwal sa mga sistema ng paniniwala. Ilan lamang sa mga halimbawa nito ay ang pagbasa at pagbubulay-bulay, personal na panalangin, relihiyosong okasyon, sama-sama na pag-awit at pagbasa, at iba pang mga halimbawa.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Mensahe Ng Kantang Pananagutan – Kahulugan At Halimbawa