Kahalagahan Ng Pagiging Responsable – Halimbawa At Kahulugan

Bakit Kailangan Ang Pagiging Responsable – Kahalagahan Ng Mga Ito At Halimbawa

RESPONSABLE – Kailangan nating ang pagiging responsable, lalo na sa mga bagay na dapat nating gawin dahil malaki ang kahalagahan ng mga ito, hindi lang sa atin kundi sa mga tao sa ating paligid.

Ating tandaan na ang mga aksyon natin ay hindi lamang tayo ang posibleng maapektuhan. Isang halimbawa nito ay kapag ikaw ay estudyante na mayroong group project. Hindi mo natapos ang iyong parte kaya naman bumaba ang grado ng lahat ng kagrupo mo.

Kahalagahan Ng Pagiging Responsable – Halimbawa At Kahulugan

Dahil hindi mo natapos ang iyong parte, hindi lamang ikaw ang na apektuhan kundi pati ang mga kasama mo. Heto ang dahilan kung bakit kailangan nating matutunan ang pagiging responsable.

Ang pagiging responsable ay tutulong sa ating lahat sa paghahasa ng ating mga kakayahan na mag-isip at maranasan ang damdamin ng ibang tao. Magandang ideya na timbangin ang bawat pangyayari at isaalang-alang ito nang lubusan.

PAGIGING RESPONSABLE SA BAGAY NA GAGAWIN

Mahalaga na maging responsable sa ating mga kilos at pag-iisip. Pero, bakit nga ba kailangan maging responsable sa mga bagay na iyong gagawin?

Kapag ang isang tao ay may pananagutan, mayroon silang kakayahan na gumawa ng kanilang sariling mga desisyon sa halip na umasa sa mga opinyon ng iba. Kaya, sa buhay, huwag umasa sa iyong mga magulang o kaibigan.

Isa sa mga benepisyo ng pagiging responsable ay ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili. Bukod dito, mabibigay rin ng ibang tao ang tiwala nila sa iyo.

Ang pagkakaroon ng mga pananagutan ay tutulong sa ating lahat na mahasa ang ating kakayahang maging kritikal at madama ang nasa-isip ng iba. Magandang ideya na pag-isipan ng mabuti ang bawat sitwasyon para ma sigurado na wala kang ina-apakang tao.

PAANO MAGING RESPONSABLE SA MGA GAWAIN

  • Laging isaalang-alang kung ano ang pinakamahalaga o pinakamahalaga sa iyo.
  • Una at pangunahin, isipin ang tungkol sa mga indibidwal sa iyong agarang paligid.
  • Pagbibigay-priyoridad o pagsasagawa ng mga pangako kaysa sa mga di-mahahalagang gawain.
  • Sa paggawa ng mga desisyon sa buhay, huwag magmadali.
  • Isaalang-alang kung ano ang maaaring mangyari kung hindi ka gagawa ng desisyon.

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.

BASAHIN DIN: Bakit Kailangan Maging Mapanuri – Kahulugan At Halimbawa

Leave a Comment