Heto Ang Kahulugan At Mga Halimbawa Ng Salitang “Hinuha”
HINUHA – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang ibig-sabihin o kahulugan ng hinuha at mga halimbawa nito. Bukod dito, ating ding tatalakayin kung paano nga ba natin ginagamit ang hinuha at ang kahalagahan nito.
Kapag tayo ay hindi sigurado sa isang bagay o kulang ang ating impormasyon, ang ating utak ay gumagamit ng kutob o “hinala”. Maihahalintulad ito sa isang “fill in the blanks” na nangyayari sa ating pag-iisip.
Minsan, ang ating mga hinuha ay binabase natin sa ating natural na instinkto o “instinct” sa Ingles. Pero minsan, atin ding pinag-iisipan ng mabuti ang ating mga hinuha para maka kuha ng isang mas tumpak na kasagutan.
HALIMBAWA NG HINUHA
Maraming pagkakataon sa ating buhay na gumagamit tayo ng hinuha. Posible itong maging matalinong hinuha o hinuha na galing sa ating instinkto.
Ang isang halimbawa nito ay kapag naglalakad ka sa gabi at may taong kanina ka pang sinusundan. Nag hinuha ka na baga isa itong holdaper kaya naman umalis ka sa madilim na lugar at pumunta sa mas maraming tao.
Maaari ring gamiting ang hinuha para sa mga positibong bagay. Isang halimbawa nito ay ang paggamit ng hinuha para malaman kung ano ang bagay na regalo para sa iyong kaibigan.
Kahit hindi niya sinabi kung ano ang gusto mo, may hinuha kana na naka base sa mga nakaraan niyong pag-uusap.
BAKIT MAHALAGA ANG HINUHA?
Maaaring hindi mo napagtanto kung gaano kadalas kang nakakakuha ng mga konklusyon mula sa mga indikasyon sa iyong pang-araw-araw na buhay. Ang mga hinuha na ito ay tumutulong sa iyo na gumawa ng mga desisyon tungkol sa mga bagay tulad ng kung ano ang iyong sasabihin o kung paano ka kikilos sa isang partikular na sitwasyon.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Halimbawa Ng Uri Ng Klima Sa Bansa Ng Asya