Heto Ang Mga Dahilan Ng Kilusang KKK At Kung Bakit Ito Itinatag
KATIPUNAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang Dahilan Ng pagpapatupad sa Kilusang KKK
ANO ANG KILUSAN? – Ang isang kilusan, katulad ng Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) ay naglalayong baguhin ang isang sistema sa pamamagitan ng pag sama-sama ng mga tao.
Sa panahon ng pananakop ng Espanya, maraming mga Pilipino ang nakaranas ng abuso mula sa mga mananakop. Kaya naman, ginawa ang Kilusang KKK para malabanan ito.
Base sa ating kasaysayan, sinasamantala ng mga gwadya sibil ang mga Pilipino. Kasama na rin dito ang pagkakait ng mga Espanya sa edukasyon ng mga Pilipino.
Mas gusto nilang gawing mangmang ang mga Pinoy para mas madali silang pag samantalahin at hindi nila kwestyunin ang mga patakaran ng Espanya.
Ang KKK ay itinatag ni Andres Bonifacio para makuha ng Pilipinas ang kalayaan mula sa mga mapang abusong Kastila. Ninais nilang maging malaya sa pag-uusig at pang-aabuso. Sumama sa kanya sa organisasyong ito ang mga Pilipinong gustong lumaya.
Dahil sa naranasan na pang aabuso ng mga Pilipino, naging madali lamang ang pagkuha ng taga suporta ang kilos kahit ito’y isang patagong kilusan naman.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: 5 Dahilan Ng Kakapusan – Kahulugan At Halimbawa Ng Kakapusan