Biglaang Pagpapasya At Mga Epekto Nito – Kahulugan At Halimbawa

Ano Ang Mga Posibleng Epekto Ng Biglaang Pagpapasya? (Sagot)

BIGLAANG PAGPAPASYA – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano ang mga epekto ng biglaang pagpapasya at mga halimbawa nito.

Ang pagpapasya ay ang ating pag-iisip bago tayo gumawa ng isang kilos. Kaya naman, kung biglaan ang ating pagpapasya, maaari itong magdulot ng mga masasamang kalabasan.

Biglaang Pagpapasya At Mga Epekto Nito – Kahulugan At Halimbawa

Sa lahat ng ating mga gagawin, dapat pag-isipan ito ng mabuti kung ito ba ay tama o mali. Ating tandaan na ang ating mga kilos ay may kapalit. Maaari itong maging mabuti o masama.

Bukod dito, hindi lamang ang ating sarili ang naaapektuhan ng ating mga kilos. Maaaring maapektuhan din ang mga tao sa ating paligid.

Tandaan din natin na dapat ay pag-isipan natin kung may maapakan tayong tao sa ating mga ginagawa. Posibleng uunlad ang ating buhay dahil sa mga desisyon natin, pero may mga pagkakataon na mali ang nagagawa natin at may masamang epekto na pala ito sa ibang tao.

Isang halimbawa nito ay kapag ikaw ay estudyante na mayroong proyekto kasama ang ibang tao sa isang grupo. Imbis na gumawa ng iyong parte, napagisipan mo na mag bakasyon sa beach kasama ang iyong mga kaibigan. Dahil dito, hindi nakapasa ang grupo.

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.

BASAHIN DIN: Bakit Tinawag Na Pamahalaang Papet Ang Ikalawang Republika? (Sagot)

Leave a Comment