Ano Ang Halimbawa Ng Mga Uri Ng Pananaliksik? (Sagot)
URI NG PANANALIKSIK – Sa mundo ng akademya, napakahalaga ang pananaliksik, kaya naman, mayroon tayo ng iba’t-ibang uri at halimbawa ng mga ito.
Dahil malawak ang sakop ng pananaliksik, ang uri ng pananaliksik na dapat gamitin ay naiiba depende sa layon ng mga mananaliksik. Heto ang mga halimbawa:
Panimulang pananaliksik – Ang layunin ng uri ng pananaliksik na ito ay ang magbigay liwanag sa isang hindi maintindihang paksa.
Ito ay binubuo ng isang teorya o paliwanag tungkol sa isang pangyayari. Bukod dito, ang pananaliksik na ito ay deskriptibo at nag lalarwan.
Pagtugong Pananaliksik – Sa pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay naglalayong matugunan ang isang problema ng mga tao.
Ito ay kadalsang ginagamit upang maunawaan ang kalikasan ng isang suliranin. Sa paraang ito, magkakaroon ng ideya ang mga tao kung paano mabibigyan ng solusyon ang ito.
Pananaliksik na Nagtataya – Ang uri naman ng panaliksik na ito ay nag-aaral ng proseso at kinalalabasan ng isang solusyon. Sa Ingles, ito ay tinatawag na formative research.
Pagkilos na Pananaliksik – Dito, ang mga mananaliksik ay naglalayong lumutas ng isang tiyak na suliranin. Ito’y maaaring maging suliranin ng isang programa, organisasyon, o isyu ng komunidad.
Makaagham o Siyentipiko – Ang pananaliksik na ito ay nangangailangan ng hypothesis at masisinang magtrabaho at gumawa ng eksperimento upang mapatunayan ang hypotesis na ito.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Panalangin Sa Pasko Halimbawa – Mga Panalangin Sa Araw Ng Pasko
Saan ang mga Halimbawa ng pagtugong pananaliksik?