Ano Ang Pagkakaisa Sa Gitna Ng Pagkakaiba? (Sagot)
PAGKAKAISA – Sa lawak ng mundo, natural lamang na magkaroon ng pagkakaiba ang mga tao, ngunit, may posibilidad bang magkaroon ng pagkakaisa sa gitna nito?
Hindi nating maiwasan na magkaroon ng pagkakaiba ang iba’t-ibang mga tao. Mula sa rasa, paniniwala, kultura, at tradisyon, maraming bagay ang nagpapakita ng kasarinlan ng mga grupo ng tao at indibidwal.
Pero, kahit ganito, dapat pa rin tayong magkaisa dahil tayo ay magkapareho lamang na tao. Kaya naman, ating masasabi na ang pagiging isa sa gitna ng pagkakaiba ay ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa ibang tao kahit magkaiba ang mga paniniwala nito.
May mga pagkakataong “tolerance” lamang ang naipapakita ng mga tao sa pagkakaiba ng ilan. Halimbawa nito ay ang mga talakayan tungkol sa “Gay Marriage”. Bilang isang relihiyosong bansa, ang mga Pilipino ay nagpapakita lamang ng “tolerance” sa mga bakla at hindi lubos-pusong pag tanggap.
Isa pang halimbawa nito ay ating makikita sa relihiyong Bahai. Dito, mahalagang prinsipyo ang “pagkakaisa sa gitna ng kaibahan”. Sila’y naniniwala na ang lahat ng tao o ang buong humanidad ay anak ng Maylikha.
Ating tandaan na ang pagkakaisa ay nagsisimula sa pagrerespeto ng iba kahit na hindi ito sumasang-ayon sa iyong paniniwala.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Sinaunang Gawaing Panrelihiyon Halimbawa At Kahulugan Nito