Heto Ang Mga Halimbawa Ng Maikling Usapan Tungkol Sa Kaibigan
MAIKLING USAPAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang mga halimbaw ng maikling usapan tungkol sa kaibigan.
Ang mga maikling usapan ay palaging nangyayari sa atin. Sa Ingles, ito’y tinatawag na small talk. Kadalsan, ito’y ginagawa para batiin ang mga kakilala kapag ito’y nakita sa isang lugar.
Bukod dito, ang mga maikling usapan ang ginagamit din upang makapag bigay ng impormasyon sa iba. Pero, hindi na ito pinag-uusapan pa ng lubusan dahil nagmamadali o hindi naman kailangan ang lubusang talakayan tungkol dito.
Heto ang mga halimbawa:
(Peter) Ako: Eva, natapos mo na ba ng iyong module 2 sa Filipino?
Eva: Naku! Hindi ko pa nga nasimulan kasi wala pa akong oras na nailaan para gawin ito.
Peter: Same!. Pero kailangan na nating sagutin ito nang maaga dahil ito ay pinaghirapan ng ating mga guro.
Eva: Tama ka! Bilib nga ako kay Bb. Marquez. Alam kong marami siyang pinagkakaabalahan pero nagagawa niya pa ring tulungan tayong mag-aaral.
Peter: Pero trabaho talaga nila iyan eh. Binabayaran naman sila.
Angel: Tama! Pero kailangan pa rin nating pumasa kung ayaw nating ulitin ang Grade 9.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Sinasagisag Ng Watawat Ng Pilipinas – Kahulugan At Iba Pa