Ano Ang Halimbawa Ng Mga Kulturang Ipinakita Sa Noli Me Tangere? (Sagot)
KULTURA SA NOLI – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang mga kulturang ipinakita sa nobelang Noli Me Tangere.
Ang nobela ni Jose Rizal Na Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay ang pinakakilalang nobela sa Pilipinas. Dahil sa mga nobelang ito, sumiklab ang nasyonalismo ng mga Pinoy at naipakita ang pagmamaltrato ng mga Kastila.
Samantala, sa loob ng nobelang Noli, ating makikita rin ang iba’t-ibang kultura at kaugalian ng mga Pilipino. Heto ang mga halimbawa:
Pagkahilig ng mga Pilipino sa handaan – Makikita ito sa kabanata 1: Isang Handaan. Dito, naipakita ang magarang handaan na sumasalamin sa salawikain na: “ubos – ubos biyaya, bukas ay nakatunganga”.
Paggalang sa mga nakatatanda – Mahalaga sa mga Pilipino ang paggalang lalo na sa mga nakakatanda. Makikita ito sa Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra. Si Ibarra ay nagmano at nagbati nang siya’y ipinakilala kay Kapitan Tiyago.
Ang Hapunan – Ang meriende ay isa sa mga bagay na nakuha ng mga Pinoy sa mga Kastila. Tuwing hapon, naguupo ang mga pamilya at mga kaibigan habang kumakain at nagkukwentuhan. Makikita ito sa Kabanata 3: Ang Hapunan.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Ano Ang Gramatika At Retorika – Halimbawa At Kahulugan