Ano-ano Ang Mga Dahilan Ng Maruming Kapaligiran? (Sagot)
MARUMING KAPALIGIRAN – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang mga dahilan ng maruming kapaligiran.
Alam naman nating lahat na ang pangunahing rason ng pagkakaroon ng maruming kapaligiran ay ang basura. Pero, hindi naman ito magiging problema kung tama lamang ang pagtatapon nito ng mga tao.
Kaya naman, ating masasabi na hindi basura ang dahilan ng hindi malinis na kapaligiran kundi ang mga irresponsableng tao sa komunidad. Madali lamang ang mag tapon ng basura sa basurahan, ngunit, mas marami ang pagkakataon na mas pinipili ng mga tao na itapon na lng ito kahit saan.
Nakakalungkot man pero ito ang realidad. Matagal na ito naging problema sa maraming lugar. Kaya naman, may mga lungsod na nagmumulta sa kung sino man ang makikitang nagtatapon ng basura sa kung saan-saan.
Isa rin sa mga dahilan ng maruming paligid ay ang problema sa polusyon sa hangin at tubig. Dahil sa mga malalaking pabrika, sasakyan, at iba pang pinagkukunan ng polusyon sa hangin, nagiging marumi ay hindi kanais-nais ang ibang malalaking lungsod.
Bukod dito, ang mga industrial waste galing sa mga pabrika ay siya ring nagpaparumi at sumisira sa mga natural na anyong tubig sa paligid nito.
Kaya naman, dapat tayong magkaroon ng kaalaman tungkol sa pagtataguyod at pag protekta sa ating inang kalikasan, hindi lamang para sa atin, kundi para sa susunod na mga henerasyon.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Halimbawa Ng Kanluraning Mitolohiya – Mga Mito Sa Kanluraning Bansa