Ano Ang Anyo Ng Pagpapahayag? (Sagot)
PAGPAPAHAYAG – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan at halimbawa ng mga anyo ng pagpapahayag.
Sa ating buhay, maraming uri ng pagpapahayag tayong ginagamit at nakikita. Subalit, hindi natin ito namamalayan. Ito’y mahalaga dahil ang mga ito ay uri ng komunikasyon na dapat nating bigyang pansin. Heto ang mga halimbawa:
Paglalarawan – Ang paglalarawan isang instrumentong ginagamit natin sa pang araw- araw na pagpapahayag. Ito ay nauuri ayon sa pakay o layunin ng pagpapahayag na naibibigay naman ng platapormang ginamit natin sa paglalarawan.
Ito rin ay may dalawang uri: Karaniwang paglalarawan at Masining na paglalarwan
Pagsasalaysay – Ito ay nagsasabi ng mga kaganapan o karanasan na magkaugnay. Katulad ito ng pagkukwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, sa paraang berbal o di berbal.
Paglalahad – Ang Paglalahad ay isang uri ng pagpapahayag na nag bibigay-linaw ang isang konsepto o ideya, bagay o paninindigan upang lubos na maintindihan ng nakikinig o madla.
Pangangatwiran – Ito ay isang uri ng pagpapahayag na naglalayong magbigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging katanggap – tanggap o kapani- paniwala.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Komunikasyon Batay Sa Kalikasan – Kahulugan At Halimbawa