Ano Ang Balakid At Kahulugan Nito – (Hadlang Sa Gawain)

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kahulugan Ng BalAkid?”

BALAKID – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang balakid at ang mga halimbawa nito.

Ang kahulugan ng balakid ay hadlang o humahadlang, harang, sagabal sa isang gawain, plano o hakbang ng isang tao o grupo.

Ano Ang Balakid At Kahulugan Nito – (Hadlang Sa Gawain)
  • Sagabal– mga balakid o humaharang sa gawain ng isang indibidwal kaya hindi niya ito magampanan o matapos.
  • Harang– Kapag may harang, ito ay naglalarwawan sa bagay na hindi nagpapalusot ng isang tao sa gusto niyang puntahan o hindi siya makapasok.
  • Balakid– mga bagay na maaring makaharang sa tagumpay o ninanais ng isang tao. Mga hadlang sa isang panyayari upang hindi ito tuluyang maganap.

Heto ang mga halimbawa ng gamit ng balakid sa pangungusap:

1. Ang pagiging mahirap ay hindi naging balakid upang si Peter ay hindi makapagtapos ng kanyang edukasyon at makahanap ng magandang trabaho.

2. Ang kanyang ina ang naging balakid kung kaya hindi siya naging isang Enhinyero.

3. Ang kanyang tatay ang naging balakid kung bakit hindi siya nakapagtapos ng kanyang mga proyekto.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.

BASAHIN DIN: Tungkulin At Gawain Sa Simbahan At Pamahalaan

Leave a Comment