Ano Ang Awiting Bayan? Halimbawa At Kahulugan Nito

Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Awiting Bayan?”

AWITING BAYAN – Sa paksang ito, tatalakayin natin kung ano nga ba ang awiting bayan at ang mga halimbawa nito.

Ang awiting bayan ay isa sa mga kultura na pinangalagaan mula sa ating mga ninuno. Ito rin ay tinatawag na “kantahing bayan” ng iilan.

Nasa anyo ito ng patula ngunit may kasama itong tugtog na inaayon sa karanasan, damdamin at kaugalian ng sinumang gumawa nito. Ang awiting bayan na ginawa ng ating mga ninuno ay patungkol sa iba’t ibang pamumuhay, pag iisip, ugali, at damdamin ng mga tao.

Ano Ang Awiting Bayan? Halimbawa At Kahulugan Nito

Ang mga naturang katutubong awitin ay napangkat ayon sa tinutukoy nito gaya ng sumusunod:

Soliranin: awit ng mangingisda
Talindaw: awit ng mga bangkero
Oyayi: ginagamit pampatulog ng mga bata
Diona: para sa mga kinakasal
Kumintang: awit sa digmaan
Sambotani: inaawit kapag tagumpay ang pakikipagdigma
Dalit: awit sa simbahan
Kundiman: awit ng pag-ibig

Ang mga awiting bayang ito ay napapangalagaan sa pamamagitan ng saling-dila o ang pagpapasa nito sa mga sumusunod na henerasyon. Ito ang isa rin sa nagpapatuloy ng ating kalinangan bilang isang Pilipino kung kaya’t dapat nating pahalagahan at siguraduhing hindi ito mapuputol at mamatay sa atin.

Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.

BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Maging Tapat – Halimbawa At Kahulugan

Leave a Comment