Ano Ang Tekstong Persweysiv At Halimbawa Nito? (Sagot)
TEKSTONG PERSWEYSIV – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang kahulugan at halimbawa ng isang tekstong persweysiv.
Ang isang tekstong persweysiv ay ginagamit upang manghikayat sa mga mambabasa na sumang-ayon sa opinyong nasa sulat. Bukod dito, ang tekstong ito ay naglalayun ring impluwensiyahan ang isiban ng mga mambabasa.
Nakapaloob sa isang tekstong persweysiv ang mga tunay na mga datos at impormasyon tungkol sa paksa para mas ma kumbinsi at mahikayat ng husto ang mambabasa. Kadalasan natin ito makikita sa mga talumpati ng pulitiko.
Makikita rin natin ang mga ito sa mga patalastas sa radyo, telebisyon, diyaryo o kahit sa sosyal medya.
Halimbawa:
Magandang gabi po sa inyo, ako po si Peter Piper, tumatakbong chairman ng barangay 143. Simula’t sapol ay hindi po ako umalis sa barangay natin. Habang lumalaki ay nasaksihan ko ang bawat hinagpis ninyong aking mga kabaranggay na hindi nabigyang tugon ng mga nagdaang liderato. Kapag ako ang nanalo ngayong darating na eleksiyon, sisiguraduhin kong bukas ang aking opisina para sa lahat ng mga isyung gusto niyong bigyan solusyon. Ang patubig na laging ibinubulong sa tabi tabi ay bibigyan ko ng kasagutang ayon sa inyong nais. Ang kalsada nating lubak-lubak ay gagawan ko ng proposal upang mabigyan ng badyet. Kaya ngayong eleksiyon mga kaibigan, huwag ninyong kalimutang ilagay ang aking pangalan, Peter Piper po bilang inyong chariman. Iboto po ninyo ako bilang bagong kapitan ng barangay na ito. Sinisigurado ko po, ako na ang sagot ng inyong mga hinaing. Magtutulong po tayong lahat. Maraming salamat.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Katangian Ng Pananaliksik – 7 Katangian Ng Pananaliksik At Kahulugan