Ano Ang Mga Katangian Ni Labaw Donggon? (Sagot)
LABAW DONGGON – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang mga katangian ng karakter na si “Labaw Donggon”.
Ang Epikong “Labaw Donggon” ay isang kwento na nanggaling sa mga Sulod ng Sentral Panay. Si Labaw Donggon ay anak ng isang Diwatang si “Abyang Alunsina” at ng mortal na si Buyung Paubari.
Dahil sa pagiging anak ng isang “Diwata”, Si Labaw Donggon ay nagkaroon ng mga kapangyarihan. Halimbawa, ng siya’y pinanganak, bigla na lamang itong naging malakas na binata. Pagkatapos nito, umalis kaagad si Labaw Donggon para sa kanyang paglalakbay.
Ang mga katangian ni Donggon ay ang pagiging matikas, matalino at malakas. Bukod rito, nagpapakita rin si Labaw Donggon ng pagiging makisig at matapang.
Si Donggon ay ang una sa tatlong magkakapatid na lumakbay matapos itong ipinanganak. Pero, marami ring kahinaan si Donggon – Ito’y madaling maakit ng mga babae.
Sa simula ng kanyang paglalakbay, na bihag siya kaagad sa isang babaeng kilala bilang si Abyang Ginbitinan. Ikakasal na sana silang dalawa. Ngunit, pagkatapos ng kanilang kasal, na kilala niya ulit si Anggoy Doronoon at sinuyo.
Matapos ang ilang araw, may na kilala naman itong bagong babae – si Malitung Yawa Sinagmaling Diwata. Subalit, ang babaeng ito ay naikasal na.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN RIN: Bakit Mahalaga Ang Opinyon? – Kahalagahan Ng Pansariling Opinyon