Ano Ang Kalikasan Ng Wika At Kahulugan Nito? (Sagot)
KALIKASAN NG WIKA – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang kalikasan ng wika at ang kahulugan at mga halimbawa nito.
Ang kalikasan ng wika ay masasabing pinagsama-samang tunog. Nagdulot ito ng pagbigay ng simbolo sa mga tunog na ngayo’t tinatawag natin na mga letra. At ang pagsama-sama ng mga ito ay lumilikha ng mga salita.
Bukod dito, mayroong “gramatikal na istruktura” ito. Sila ang mga sumusunod:
- Ang morpolohiya (pagbubuo ng mga salita).
- Sintaks (pagsasama-sama ng salita upang bumuo ng pangungusap).
- Semantiks (ang kahulugan ng mga salita at pangungusap).
- Pragmatiks na nagpapaliwanag sa pagkakasunod sunod ng pangungusap (sequence of sentence).
- Sa partisipasyon sa isang konbersasyon.
- Sa antisipasyon ng mga impormasyon na kailangan ng tagapagsalita.
Samantala, ang sistemang oral-awral naman ay sistemang sensora ng mga tao. Ito ay pisikal na sensoral na katangian ng mga tao sa pasalita (oral) at pakikinig (awral).
Gingamit dito ang ating mga bibig sa pagsasalita at ang taenga naman sa sa pakikinig.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Ibong Adarna Gintong Aral At Paliwanag Ng Mga Ito