Heto Ang Mga Halimbawa At Paraan Ng Paggawa Ng Congratulatory Card
CONGRATULATORY CARD – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung paano nga ba tayo makagawa ng congratulatory card at mga halimbawa nito.
Maraming paraan kung paano gumawa ng isang congratulatory card. Pero, sa panahon ngayon, hindi mo na kailangan matutong gumamit ng Photoshop upang makagawa nito.
Subalit, bago tayo gumawa ng congratulatory card, ating munang pagbigyan ng pokus ang laman ng ating mensahe. Madali lamang gumawa ng desenyo para sa iyong card, ngunit, ang mahalaga, ang iyong mensahe para sa bibigyan mo.
Halimbawa ng congratulatory card na mensahe para sa bagong graduate na estudyante:
Congratulations sa iyong narating! Mula pa lamang sa simula, alam na namin na malayo ang maaabot mo sa buhay! Lahat ng mga narating mo ay iyong-iyo at walang ibang makakakuha nito! Araw mo ito!
Nagmamahal, Kuya Peter.
Matapos natin gumawa ng mensahe, atin nang ilagay ito sa isang kard. Maaari nating gamiting ang website na Canva para gumawa ng libreng congratulatory card. Pumunta lamang sa kanilang website na “Canva.com” para magsimula.
Matapos mag log-in, i type lamang sa search bar ang klase ng card na gusto mo, ang pinili namin para sa halimbawang ito ay ang “folded card” na naka portrait. Maari ka ring mag search ng “congratulations card” at makikita mo ang mga desenyo para sa graduation.
Maraming template ang puwedeng pag-pipilian kaya piliin lang ang gusto mong desenyo. Matapos mo piliin ang desenyong gusto mo, i-edit lamang ang laman ng text box at ilagay ang mensahe.
Madali mo ring mapalitan ang imahe sa kabila sa pamamagitan ng pagupload ng sariling photo gamit ang upload “Photo” na icon.
Pagkatapos nito, maaari mo nang i-download at i-print ang iyong nagawang congratulatory card!
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Kahulugan Ng Ideolohiya At Halimbawa Ng Mga Ito