Heto Ang Lyrics At Kahulugan Ng Kantang “Awit Ng Anak Sa Magulang”
AWIT NG ANAK – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano ang kahulugan ng kantang “Awit Ng Anak” sa magulang.
Ang kantang ito ay insinulat ni Ernie Magtuto. Ito’y sumasalamin sa buhay ng isang anak at ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga magulang.
Sa kantang ito, ating makikita ang paglalarawan sa mga karanasan ng bata habang ito’y inaalagaan ng mga magulang nito. Higit sa lahat, ito’y nagpapakita na ang mga magulang natin ay walang katumbas, walang katapat.
Heto ang lyrics ng kanta:
Noo’y munting batang inaakay
Inaalalayan, bawat paghakbang
Ngayo’y nakatayo sa ‘king mga paa
Salamat aking nanay, aking tatay.
Wala akong sapat na salita
Walang katumbas, inyong pag-aruga
Ngayong kayo’y matanda na’t nanghihina
Ako ngayon ang dapat mag-alaga.
Kayo’y aalalayan , aakayin din
Pag lumuluha ay patatahanin
Babantayan kung may sakit
Dadampian ang noo ng halik
At kapag gabi ay malamig
Yayakapin din ng mahigpit
Ipapanalangin
At kukumutan ng pag-ibig.
Tanda ko ang hirap niyo sa akin
Puyat, pagod, lungkot ay tiniis
Hinding hindi ko malilimutan
Walang kapantay n’yong pag-ibig.
Huwag kayong mag-alala
Sa puso’t isip ko’y nakatanim
Sa ‘king sambahaya’y ipadarama ko rin
Walang katumbas niyong pag-ibig.
Aking mga anak ay aakayin din
Pag lumuluha ay patatahanin
Babantayan kung may sakit
Dadampian ang noo ng halik
At kapag gabi ay malamig
Yayakapin din ng mahigpit
Ipapanalangin
At kukumutan ng pag-ibig.
Kayo’y aalalayan, aakayin din
Pag lumuluha ay patatahanin
Babantayan kung may sakit
Dadampian ang noo ng halik
At kapag gabi ay malamig
Yayakapin din ng mahigpit
Ipapanalangin
At kukumutan ng pag-ibig.
Wala kayong katumbas…
Wala kayong katapat…
Mahal kung Nanay
Mahal kung Tatay
BASAHIN DIN: Sino Si Maria Blanca? – Katangian Ni Prinsesa Maria Blanca