Ano Ang Mga Pangyayari Sa Panahong Neolitiko? (Sagot)
NEOLITIKO – Sa paksang ito, ating aalamin kung ano nga ba ang mga ganap noong panahong neolitiko at iba pang kaalaman tungkol dito.
Ang “neolitiko” ay isang salitang galing sa Griyego na neo at lithos. Ito ay nangangahulugan “bagong bato” o “new stone age” sa Ingles.
Sa ating kasaysayan, ito ay naglalarwan sa panahong kung saan maraming pagbabago sa kabuhayan ng tao ang naganap. Dahil dito, tumaas ang antas ng pamumuhay ng mga tao. Dito rin pumasok ang pagbabago sa teknolohiya.
Mga Katangian ng Neolitiko:
Isa sa mga pagbabagong naganap sa panahong ito ay ang pagtatanim at pagsasaka. Hindi na naging mga nomadiko ang mga tao sa panahong ito. Ito’y dahil napagisipan na nila kung paano gawin ang pagsasaka at pagtatanim. Dahil dito, nagkaroon na ng mga komunidad na kung saan permanente nang naninirahan ang mga tao.
Nagsimula na rin ang mga taong gumawa ng mga bagay mula sa putik. Dito rin nila na laman ang pag-gawa ng mga bahay gamit ang “Bricks”.
Napakinis ng mga tao ang mga magagaspang na bato at ginawang iba’t ibang hugis at laki ayon sa kanilang gamit.
Bukod rito, natutunan rin ng mga tao kung paano gamitin ang mga hayop upang pa unlarin ang kanilang mga gawain.
Ginamit ng Mesopotamia ang buto ng cacao bilang pambayad o pamalit sa mga palengke. Bunga ito nag pagkatuto ng mga taong mag-imbak ng mga bagay-bagay para i pagpalit. Dahil dito, nagsimula ang “barter”.
Salamat sa inyong maiiging pagbabasa. Aming sinisiguro ang pagserbisyo ng bago at pinaka-tinatangkilik na balita. Hanggang sa susunod na mga bagong balita mula dito lamang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Halimbawa Ng Yamang Mineral Sa Pilipinas At Iba Pang Lugar