Sira Ang Tuktok Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Sira Ang Tuktok? (Sagot)

SIRA ANG TUKTOK KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang ibig sabihin ng salitang sira ang tuktok at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Ang “sira ang tuktok” ay isang halimbawa ng idyoma. Ang mga idyoma ay salita o grupo ng mga salita na patalinhaga.

Ang mga salitang ito ay hindi tuwirang naglalarawan ng isang sitwasyon, bagay, o pangyayari. Ito’y matatalinhagang salita na kung minsan ay nagsasaad ng sintemyento ng isa o grupo ng mga tao.

Sira-ang-tuktok-kahulugan-1

Ang ibig sabihin ng “sira sa tuktok” ay gago o loko-loko. Ang terminong ito ay ginagamit na pantawag sa isang tao na gumagawa ng katangahan o nakakainis na bagay.

Dapat tayong maging maingat sa paggamit ng idyomang ito dahil maaring makasakit tayo ng ibang tao. Kadalasan itong naririning sa mga istambay.

BASAHIN DIN: Pusong Bakal Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Sira-ang-tuktok-1
Photo Source: hemantlodha

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng sira sa tuktok:

  • Hindi na nakakapagtaka kung may ginawa siyang hindi maganda. Palibhasa’y sira ang tuktok.
  • Sira na talaga tuktok ng lalaking ito.
  • Sira ang tuktok ng babaeng iyon, kanina pa sigaw ng sigaw, wala namang kaaway.
  • Sira kasi ang tuktok ni Beboy kaya laging napapa-away kahit saan pumunta.

BASAHIN DIN: Matandang Kalabaw Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment