Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Salitang Di Mahapayang Gatang? (Sagot)
DI MAHAPAYANG GATANG KAHULUGAN – Pagtalakay sa totoong ibig sabihin ng di mahapayang gatang at tamang paggamit nito sa isang pangungusap.
Ang “di mahapayang gatang” ay isang halimbawa ng sawikain o idiom sa wikang Ingles. Ang pagamit ng mga sawikaing salita ay nakakatulong upang mas lalong mabigyan ng diin and isang pangungusap.
Ang di mahapayang gatang ay tumutukoy sa isang tao na ayaw patalo o magpadaig. Maari din itong pang tawag sa taong sobrang yabang.
Ang isang taong labis na mapagmataas ay masasabing mayabang. Walang problema kung ipagmalaki ang iyong sarili kung minsan.
Ang isang mapagmataas na tao ay hindi alam kung kailan titigil sa pagsasalita tungkol sa kung gaano sila kahusay o kagaling. Kung maririnig mo ang isang tao na nagsasalita ng bongga tungkol sa kanyang nakamit o ayaw magpatalo sa usapan, sya ay maaring tawagin na di mahapayang gatang.
BASAHIN DIN: Buntong Hininga Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng di mahapayang gatang:
- Aminado naman si Felix na siya ay di mahapayang gatang kaya kaunti lang ang kanyang kaibigan.
- Kung ako sa’yo ay hindi ko kakaibiganin si Sally dahil siya ay di mahapayang gatang.
- Ayokong sumama sa iyo kung nandoon ang pinsan mong si George na di mahapayang gatang.
- Mahirap magkagusto sa isang di mahapayang-gatang.
BASAHIN DIN: Busilak Ang Puso Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page