Bukas Na Kaban – Kahulugan At Halimbawa Nito
BUKAS NA KABAN KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang bukas na kaban. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.
Ang “bukas na kaban” ay isang halimbawa ng sawikain o idiom sa wikang Ingles. Kailangan nating malaman ang mga kahulugan ng mga matalinhagang salita dahil ginagamit parin ng mga manunulat at tagapag salita sa radio.
Ang ilan pa rito ay ginagamit din kahit sa ordinaryong usapan. Ang mga sawikain ay ginagamit upang mabigyan ng emphasis ang sinasabi. Nagkakaroon din ng kapangyarihan ang isang pahayag kapag nilalagyan ng sawikain.
Ang “bukas na kaban” ay tumutukoy sa taong handang tumulong sa iba, mapagkawanggawa, o mapagbigay. Maraming iba’t ibang uri ng mapagbigay na tao, may ilan sa kanila ay mapagbigay ng pera o pagmamahal sa kanilang komunidad o pamilya. Nagbibigay sila nang walang inaasahang kapalit sa kanilang mabuting gawa.
BASAHIN DIN: Bukas Ang Isip Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng bukas na kaban:
- May bukas na kaban si Mang Tasyo sa mga mahihirap.
- May bukas na kaban para sa mahihirap si Kapitan Inggo.
- Ang politiko na may bukas na kaban para sa lahat ang dapat manalo ngayong eleksyon.
- May bukas na kaban para sa mga tao si Helga kahit hindi siya masyadong mayaman.
BASAHIN DIN: Bukang Liwayway Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page