Luha Ng Buwaya – Kahulugan At Halimbawa Nito
LUHA NG BUWAYA KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang luha ng buwaya. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.
Ang “luha ng buwaya” ay isang halimbawa ng sawikain of idyoma. Ginagamit ang mga sawikain upang mabigyan ng emphasis ang sinasabi.
Ang sawikain ay tinatawag ding maikling matalinhagang pahayag o “idiomatic expression” sa wikang Ingles.
Ang sawikaing “luha ng buwaya” ay tumutukoy sa isang taong hindi tootong nag dadalamhati o nagpapakitang tao lamang. Ang pinapakita nyang pagkawa sa iba ay hindo totoo. Sa Ingles, matatawag itong “crocodile’s tear.”
Ang terminong ito ay nakaayon sa isang siyentipikong paniniwala na lumuluha raw kasi ang mga buwaya kapag kinakain nito ang nahuling hayop. Hindi totoo ang awa na ipinapakita ng mga buwaya dahil nananatili itong mabangis. Hindi na masyadong nagagamit ang idyomang ito dahil marami nang kasing kahulugan tulad ng “echosera.”
BASAHIN DIN: Laman Ng Lansangan Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng luha ng buwaya:
- Animo’y totoo pero luha ng buwaya lang ang ipinakita ni Marco sa iyo.
- Wag mong paniwalaan yang si Helen, luha ng buwaya lang ang ipinakita nya.
- Luha ng buwaya lang ang ipinakita ng politikong yan para makuha ang inyong mga boto sa paparating na eleksyon.
- Paano ka nakakasigurong hindi luha ng buwaya yang galawang yan?
BASAHIN DIN: Lawit Ang Dila Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page