Malikot Ang Kamay – Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
MALIKOT ANG KAMAY KAHULUGAN – Alamin kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang malikot ang kamay. Dito din matatagpuan ang mga halimbawa nito.
Karamihan sa ating mga manunulat ay gumagamit ng mga sawikain o idyoma. Ginagamit parin nila ang istilong ito para makahikayat pa ng mga mambabasa.
Mahirap unawain ang isinasaad ng mga salitang ito ngunit nagbibigay ito ng interes at misteryo sa mga basahin o sinasabi. Ang salitang “malikot ang kamay” ay isang halimbawa ng sawikain.
Ang “malikot ang kamay” ay tumutukoy sa isang tao na merong gawain na hindi maganda na kumuha ng hindi sa kanya. Sa madaling salita, siya ay mangungupit o magnanakaw.
Literal ang ibig sabihin ng teminong ito dahil ang kamay ng taong magnanakaw ay hindi mapakali at kumukuha ng hindi naman sa kanya. Ang salitang ito ay mas katanggap-tanggap kesa tahasang sabihing magnanakaw ang isang tao.
Ginagamit parin ang sawikaing ito sa mga akdang pampanitikan tulad ng sanaysay, tula, at iba pang sulatin.
BASAHIN DIN: Mainit Ang Dugo Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng malikot ang kamay:
- Malikot ang kamay ng isa sa mga katrabaho ko kaya laging may nawawalan ng gamit.
- Malikot ang kamay ni Carla.
- Malikot daw ang kamay ng babaeng yan kaya walang sumasama sa kanya sa canteen.
- Pinag sabihan ka na ni nanay na wag kang sumama kaibigan mong yang dahil malikot daw ang kamay.
- Usap-usapan sa barangay na malikot daw ang kamay ni Mang Kiko.
BASAHIN DIN: Dinilaan Ng Baka Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page