Di Makabasag Pinggan Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Di Makabasag Pinggan – Kahulugan At Halimbawa Nito

DI MAKABASAG PINGGAN KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating tatalakayin ang kahulugan ng di makabasag pinggan at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Ang salitang “di makabasag pinggan” ay isang halimbawa ng sawikain o idyoma. Ito’y matalinhagang pagpapahayag ng ideya.

Ang mga salitang ito ay hindi tuwiran ang kahulugan. Kadalasan, ang kahulugan nito ay hango sa karanasan ng tao at bagay bagay sa paligid.

DI-MAKABASAG-PINGGAN-KAHULUGAN

Ang “di makabasag pinggan” ay tumutukoy sa isang tao na masyadong mahinhin, maayos kumilos, mahiyain, o tahimik. Kadalasan ito ay tumutukoy sa mga babae.

Ang terminong ito ay nagmula sa paghahalintulad sa isang taong sobrang ingat na kahit ang mga babasaging gamit katulad lang plato ay hindi mababasag. Ito’y sumasalamin sa isang magandang pag-uugali ng mga Pinoy lalo na ng mga sinaunang kababaihan.

BASAHIN DIN: Mapurol Ang Utak – Kahulugan At Halimbawa Nito

Modest-girl
Photo Source: shutterstock

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng di makabasag pinggan:

  • Hindi makabasag pinggan si Nancy sa unang araw niya sa bagong paaralan.
  • Tila hindi makabasag pinggan si Katrina tuwing kasama ang kanyang manliligaw.
  • Hindi siya mabasag-pinggan kapag kasama ang kaniyang nobyo.
  • Kinagigiliwan si Hannah ng kaniyang guro dahil siya ay ‘di makabasag pinggan sa klase.

BASAHIN DIN: Kuwentong Barbero Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment