Harangan Man Ng Sibat Kahulugan At Halimbawa Nito

Ano Ang Halimbawa At Kahulugan Ng Harangan Man Ng Sibat? (Sagot)

HARANGAN MAN NG SIBAT KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang ibig sabihin ng salitang harangan man ng sibat at ang mga halimbawa nito na ating makikita.

Ang salitang “harangan man ng sibat” ay isa sa mga pinaka sikat ng sawikain o idyoma sa bansa. Ang idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.

Ang mga salitang ito ay nagbibigay karagdagang kulay sa pangungusap o ideya.

Ang matalinhagang salita na “harangan man ng sibat” ay tumutukoy sa isang taong determinadong maabot ang kanyang ninanais kahit ano mang balakid ang kanyang harapin.

Noong unang panahon, ang sibat ang sandang ginagamit ng mga tao kapag may kaaway. Sibat din ang naging simbolo ng balakid o problema ng isang tao.

Ang salitang to ay may roon ding magandang nais ipahiwatig. Isang magandang katangian ng Pinoy na handa silang harapin ang ano mang harang basta ma tupad ang gusto.

BASAHIN DIN: Aabutin ang Bituin Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap

Spear
Photo Source: HROARR

Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng harangan man ng sibat:

  • Ang sabi ng iba harangan man ng sibat ang pagmamahalan nating dalawa, ipaglalaban kita.
  • Harangan man ako ng sibat lahat susuungin ko makamit ko lng ang matamis mong oo.
  • Harangan man ng sibat ay mas lalo siyang tumatapang.
  • Hindi papipigil si Joshua harangan man ng sibat.

BASAHIN DIN: Pasan Ang Daigdig Kahulugan At Halimbawa Nito

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph

Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page

Leave a Comment