Kasagutan: Naglalaro Ng Apoy Kahulugan at Mga Halimbawang Pangungusap
MABABAW ANG LUHA – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang ibig sabihin ng salitang naglalaro ng apoy at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang wika ay gamit natin upang maipahayag natin ang ating saloobin, opinion, ideya, at damdamin. Ang wikang Pinoy ay mayaman sa maraming klaseng panitikan.
Ito’y nagging gamay ng ating mga manunulat sa paggawa nga iba’t-ibang uri ng basahin. Isang uri ng panitikang Pinoy ay ang mga matalinhagang salita.
Makikita natin na ang literal na ipinahihiwatig ng salitang “makipaglaro ng apoy” o “naglalaro ng apoy” ay paglalaro sa isang literal na apoy. Ang iba pang kahulugan ng salitang ito ay pag kakasangkot sa delikadong sitwasyon o paglapit sa kapahamakan.
Ang salitang ito ay may kahulugan din na pagtataksil sa karelasyon o asawa. Nagsimula ang konseptong ito sa init na nararamdaman ng tao kahit sa hindi niya karelasyon. At kapag nangyari ito, tila isang apoy na sinusunog ang isang relasyon na humahantong sa isang breakup o katapusan.
Ang matalinhagang salitang ito ay mahalaga dahil nagsisilbi rin itong babala sa mga taong gusting manloko sa kanilang kapwa. Tandaan na ang apoy ay nakakapaso at nakakaabo ng mga ari-arian kaya dapat natin itong iwasan.
BASAHIN DIN: Bulang-Gugo Kahulugan At Halimbawa Nito
Narito ang mga halimbawa ng pangungusap na gumagamit ng naglalaro ng apoy:
- Binigyan ng payo si Andrew ng kanyang nanay, na huwag siyang maglalaro sa apoy dahil iyon ang magdudulot ng tiyak na kamatayan sa kanya.
- Nais malaman ni Felix kung ano ang ipinahihiwatig ng isang manunulat nang sabihin ng isang karakter sa aklat na huwag “maglalaro ng apoy.”
- Ang lalaking iyan ay naglalaro ng apoy.
- Napauwi kaagad galing sa Dubai si Fernando dahil nabalitaan niyang ang asawa niya ay naglalaro ng apoy.
BASAHIN DIN: Marahuyo Kahulugan At Mga Halimbawang Pangungusap
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page