Ano Ang Kisapmata? – Kahulugan At Halimbawa Nito
KISAPMATA KAHULUGAN – Sa paksang ito, ating pag-aaralan ang ibig sabihin ng salitang kisapmata at ang mga halimbawa nito na ating makikita.
Ang literal na pagpapakahulugan ng salitang kisapmata ay pagkurap ng mata o “blink of an eye” sa wikang Ingles. Ito ay tumutukoy sa bilis o agarang pagkilos.
Ang salitang ito ay isang uri na idioma. Ang kisap mata ay nangangahulugan ng agarang pagkawala ng isang bagay na mas mabilis pa sa segundo ng tala-orasan.
Ang salitang kisapmata ay maituturing din na magandang gamitin sa tayutay na pagmamalabis. Pero, ito ay nagpapakita ng labis na bilis na hindi maituturing na makatotohanan.
Ang layunin na paggamit sa salitang ito ay mabigyan matinding damdamin ang isang pangyayari. Ipinaparamdam o ipinapakita nito ang bilis o paglaho ng isang bagay na ihahambing sa pagkisap o pagpikit ng mata.
BASAHIN DIN: Mababaw Ang Luha Kahulugan At Halimbawa Nito
Heto ang mga halimbawang pangungusap na gamit ang salitang kisapmata:
- Sa isang kisapmata ay natunaw na ang sorbetes na binili ni Angel sa bagal nitong kumain.
- Sa isang kisapmata, biglang naglaho ang kanyang pag ibig sa akin
- Ang lahat ng tagumpay na ito ay hindi niya nakuha sa isang kisapmata.
- Ang malaking halaga ng salapi ay nadodoble sa isang kisap-mata.
- Sa isang kisap-mata, ang lunsod ay nawasak, at mga 100,000 katao ang namatay.
BASAHIN DIN: Naniningalang Pugad Kahulugan At Halimbawa Nito
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page