Ano Ang Alibugha At Ang Kahulugan Nito? (Sagot)
ALIBUGHA– Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano nga ba ang “alibugha” at ang kahulugan nito.
Ang malapit na kasingkahulugan ng “alibugha” ay maaaring maaksaya o “wasteful” sa Ingles. Ang katumbas nito sa kontemporaryong paggamit ay “iresponsable”.
Ang salitang ito ay maari ring gamitin sa isang anak na prodigal, katulad ng mga nababasa natin sa Bibliya na ang alibughang anak (prodigal son) ay bumalik sa naghihintay nyang ama. Sya ay makasarili at hindi iniisip ang sinuman kundi ang kanyang sarili.
Ang mga alibughang tao ay mga tao na, bagama’t nasa hustong gulang na, ay walang kakayahang pangasiwaan ang kanilang mga responsibilidad, at ang mga obligasyon na dumating sa kanila.
Sila’y mapag lustay o walang pakundangan sa pag gasta ng salapi at ano mang yaman. Mapag-aksaya o mapagtapon.
Heto ang mga kasing kahulugan ng alibugha:
- Walang asal
- Iresponsable
- Hindi mapagkatiwalaan
- Mapagtapon
- Labusak
- Mapag-aksaya
BASAHIN DIN: Pagdaralita Kahulugan At Halimbawa Nito
Heto ang mga halimbawa ng pangungusap gamit ang salitang alibugha:
- Sya ay alibugha dahil sinasaktan niya ang kaniyang mga anak at siya ay nakitang gumagamit ng droga.
- Si Aling Marites ay alibugha sapagkat sinasayang lamang niya ang kanyang panahon sa pagtsetsemis ng kaniyang mga kapit-bahay.
- Alibugha ang kanyang ina dahil pinapabayaan nya lang ang kanyang mga anak.
- Ang anak ni Alex ay isang alibugha sapagkat ibeninta niya lahat ng kanilang mga ari-arian at pumunta sa malayong lugar na hindi man lang nagpapaalam sa aniyang mga magulang.
BASAHIN DIN: Mababaw Ang Luha Kahulugan At Halimbawa Nito
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
Please like and follow/subscribe:
Newspapers.ph
Newspapers YouTube Channel
Newspapers Facebook Page