Ano Ang Walong Lalawigang Sinisimbolo Ng Sinag Ng Araw Sa Watawat? (Sagot)
SINAG NG ARAW SA WATAWAT – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang walong lalawigang sinisimbolo ng Sinag ng Araw sa Watawat ng Pilipinas?
Ang walong sinag ng araw na ating makikita sa watawat ng Pilipinas ay sumasalamin sa walong lalawigan na unang isinailalim sa Batas Militar sa mga panahong ng himagsikan. Ang mga lalawigang ito ay ang sumusunod:
- Maynila
- Bulacan
- Pampanga
- Nueva Ecija
- Tarlac
- Cavite
- Laguna
- Batan gas
Ang mga lugar na ito ay isinailalim sa Batas Militar noong sumiklab ang giyera. Ang dahilan kung bakit ito ginawa ay dahil sa takot ng mga Kastila na baka lumakas ang puwersa ng mga Pinoy at lumaki pa ng husto ang himagsikan.
Pero, kahit na nilagay ang mga lalawigang ito sa Batas Militar, hindi ito kayang pigilan ang apoy ng damdamin ng mga Pilipino na lumaya mula sa kamay ng mga mapang-aping mga Kastila.
Ang mga lalawigan ng Quezon (Tayabas) at Rizal (Distrito Militar ng Morong) ay hindi kasali sa walong lalawigang ito.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Comparison Of The Parent & Their Young Cow Calf – Example