Heto Ang Sagot Sa Tanong Na “Ano Ang Kahulugan Ng Balisa?”
BALISA – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang balisa at ang mga halimbawa nito.
Sa ating wika, katulad lamang ng Ingles, ay mayroon tayong mga salita na ating dinadagdag sa iba pang salita para maka buo ng bago. Isang halimbawa nito ay ang salitang “Balisa” na isang pang-uri.
Ito’y isang salita na ginagamit para maipakita ang pakiramdam ng isang tao. Kapag ang isang tao ay hindi mapakali o mapalagay ang taong ito ay “balisa”.
Kapag balisa ang isang tao, may isang bagay o maraming bagay na iniisip o gumugulo sa isip nito. Kaya naman, ito’y nagdudulot ng kaba o pag-aalala na may posibleng mangyaring hindi maganda.
Heto ang mga gamit ng salitang balisa sa pangungusap:
- Ilang gabi ng balisa si tatay mula nang dalhin si Hector sa emergency room.
- Si Peter ay balisa dahil palapit na ang araw ng kanyang board exam.
- Bakas sa mukha ng mga mag-aaral ang pagkabalisa sa araw ng pagsusulit.
- Ang lahat ng tao sa paaralan ay balisa sa pagdating ng malakas na ulan.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Kaibahan Ng Pagsulong At Pag-Unlad – Halimbawa At Iba Pa