Heto Ang Mga Halimbawa Ng Kahalagahan Ng Bibliograpiya
BIBLIOGRAPIYA – Sa paksang ito, ating pag-aaralan kung ano nga ba ang kahalagahan ng Bibliograpiya at ang mga halimbawa nito.
ANO ANG BIBLIOGRAPIYA?
Ang isang bibliograpiya ay ang listahan ng mga ginamit na sangguniang aklat, pahayagan, magasin, at iba pang mga babasahin na inaayos nang paalpabeto.
Dito natin matatagpuan ang pangalan ng awtor na nauuna ang apelyido, pamagat ng aklat/magasin, mga artikulo, pangalan ng mga magasin o pahayagan, panglibag, o taon ng pagkalimbag.
BAKIT MAHALAGA ANG BIBLIOGRAPIYA?
Mahalaga ang bibliograpiya lalo na para sa mga taong nagsasaliksik. Ito’y isang patunay na ang lahat ng kanyang mga kaisiapan o mga idenya na binanggit sa mga pag-aaral nito ay totoo o hindi haka-haka. Bukod dito, nagpapakita ito ng lawak at lalim ng pananaliksik na nagagawa ng tagasaliksik.
Kapag ika’y nagsusulat ka man ng artikulo, libro, research paper, o thesis, ang iyong bibliograpiya ay isang mahalagang tool para sa pagpapahayag ng mahahalagang impormasyon sa iyong mga mambabasa.
Karagdagan, ang pagsulat ng isang annotated na bibliograpiya ay tumutulong sa iyo na bumuo ng mga kasanayan na may kaugnayan sa kritikal na pagbabasa at pagtukoy sa mga pangunahing punto ng isang pananaliksik na pag-aaral.
Para magiging epektibong i-synthesize ang nilalaman sa paraang makakatulong sa mambabasa na matukoy ang bisa at pagiging kapaki-pakinabang nito kaugnay sa problema o paksa ng pananaliksik.
Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.
BASAHIN DIN: Bakit Mahalaga Ang Layunin Sa Buhay? (Kahulugan At Halimbawa)