Isyung Panlipunan El Filibusterismo – Halimbawa At Kahulugan

Heto Ang Mga Isyung Panlipunan Sa El Filibusterismo

ISYUNG PANLIPUNAN – Maraming mga isyu sa kasalukuyang panahon na nasasalamin sa mga nobela ni Rizal na El Filibusterismo.

Isa sa pinakamalaking isyu na tinatalakay sa El Fili ay ang mababang pagtingin ng mga banyaga sa ating mga kababayan. Kasama na dito ang kanilang pang-aabuso at pagkuha ng ating kalayaan.

Isyung Panlipunan El Filibusterismo – Halimbawa At Kahulugan

Bukod dito, minamaliit din ng mga Kastila ang kakulangan sa edukasyon ng ilang mga karakter. Para sa karamihan sa mga Kastila, ang mga Pilipino ay itinakdang maging tagapaglingkod sa kanila.

Samantala, may mga isyu rin na makikita sa pagitan ng mga mismong Pilipino. Isa na dito ang paghingi ng kapalit para sa isang bagay na itutulong o ibibigay. Pero, ito’y hindi sumasang-ayon sa prinsipyo ng kabayanihan at pagtutulungan.

Makikita rin natin ang mga masasamang katangian na makikita sa mga tao. Ang halimbawa nito ay ang mapanghamak na pagtingin at pag-trato ng kapwa. Isa sa mga dahilan nito ay ang isyu ng “crab mentality”.

Ito yung pinapababa mo ang isang tao o pinapahamak mo sila dahil ikaw ay nasa mababang kalagayan. Karagdagan, ang isa sa mga isyung panlipunan tungkol sa katiwalaan sa lipunan ay tinatalakay din dito.

Salamat sa inyong pagbabasa, Sana naman ay may natutunan kayo sa paksang ito. Hanggang sa susunod na paksa dito lang sa Newspapers.ph.

BASAHIN DIN: Ano Ang Batuhang Bola? Paano Ito Nilalaro At Halimbawa Nito

Leave a Comment